Use Pastels. :>

Archive/RSS/Ask/Theme

LEZ PARTY, Baby! :*

vinquilop:

December, I’ll be good to you.

Uy! :)

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga mapagmahal kong followers. Salamat sa pag-like at pagreblog ng mga post ko na puro kadramahan. And for all my followers abroad, HELLO! HAHAHAHA. Pero ayun na nga, magpapaalam na ‘ko sa inyo, sa lahat ng naging witness kung paano ako nagmahal, nasakatan, nagalit at nakamove on. Guisse, masaya na ako ngayon at graduate na ko sa pagdadrama. Maraming salamat sa pag-TA sakin para icomfort ako at bigyan ng payo. Salamat sa lahat na umunawa at tumanggap sakin sa pagmamahal ko ng isang babae. SOBRANG SALAMAT. MAHAL NA MAHAL KO KAYO! Siguro, sa sobrang dami ko ng Tumblr account na nagawa, ito yung pinakanapamahal sakin at dahil yun sa inyo. :)

Aalis na ‘ko sa Tumblr kasi:

  • Gusto kong ayusin yung buhay ko. (Ang dami ko kasing pagkakamaling nagawa at mga maling desisyon na kailangang itama.)
  • Gusto ko sana na bumalik na ulit yung 100% na tiwala sakin ng magulang ko. (Ang dami ko na kasi masyadong tinatago sa kanila kaya gusto ko this time na imbes dito ko binubuhos, sa kanila ko nalang ikukwento.)
  • Gusto ko mas mapalapit kay Lord. (Siguro ang weird kasi “mapalapit” pero napansin ko kasi na nung simula na nagdadrama ako at nagkaroon ako ng paglalagyan ng kadramahan ko, medyo nakakalimutan ko ng magpray ng sincere.)
  • Gusto kong mas maging productive. (Kasi sobrang daming naaksayang oras ‘pag nagtuTumblr.)
  • Gusto ko na magbago at kalimutan yung past ko. (Oo, super okay na ko. Wala ng galit o kaya sakit pero syempre, andito pa rin yun lahat sa Tumblr at maraming alaala dito. Pero ayun, dinelete ko na yung lahat ng post ko dati. Hihi.)
  • Gusto kong magbasa ng maraming libro.(Hindi naman ako bookworm, na as in to the highest level. I read books. Pero ngayon, parang mas interesado ako sa mga libro at gusto kong magbasa ng magbasa.)

Hindi naman talaga ako mawawala as in disappear. ‘Di ko rin naman idedelete ‘tong account na ‘to. So, babalikan ko pa rin ‘to. Ichecheck ko pa rin kung anong bago pero sobrang madalang lang siguro. 

Ayun, pero may iiwan ako dito (maliban sa mga artworks ko na ang chachaka. =))) Ang last letter ko para kay B… :)

Dear B,

Read More


My favorite. <3

#Artwork  #MINE